sabi siya ng sabi ng complicated
na ayaw daw niya
tapos sabi ko sakaniya kagabe
kung ayaw mo ng complicated edi dapat hindi ka gumagawa ng complicated situations
tapos sabi ko pa, kung ayaw mo talaga ng complicated, dapat nilayuan mo na ako, dapat hindi ka na nagteteks, or di na dapat tayo nagkikita
tapos sabi lang niya "bakit? ayaw mo na ba na magusap tayo at magkita?"
sabi ko gusto.. pero tangina! ako yung nahihirapan
______________________________________________________________
eh ako, yung feeling na di mo alam kung nasan ka
yung feeling na di mo macontrol yung situation
yung feeling na masyadong complicated na hindi na nakakatuwa
yung feeling na ang sakit sakit kasi parang pinapaasa ka sa wala
yung di mo sigurado kung pinaglalaruan ka lang ba
di mo sigurado kung kaya ba siya ganito sakin eh dahil gusto niya ako o gusto niya lang nung feeling na binibigay ko sakaniya
hindi ka sigurado kung ikaw ba talaga yung gusto, yung pagkatao mo ba
or yung flirtiness lang na nabibigay ko sakaniya ang gusto niya
na ang sakit sakit na kasi ang dami dami kong nararamdaman
na hindi ko naman alam kung alin ang paniniwalaan
na mapapamura ka nalang sa sobrang pagkagulo at pagka confuse
kasi hindi mo alam kung nasan ka ba talaga sakaniya
na ang sakit sakit na talaga.
sobra sobra
No comments:
Post a Comment