Tuesday, October 11, 2011
alam mo kung ano yung malungkot? yun yung galit na galit ka sa isang tao pero isang "hi" or isang "hello" o konting "i miss you" lang galing sakaniya, nawawala na yung galit mo. parang bang may powers yung hi at hello niya. kaya niyang tunawin yung mga emotion mo. kaya niya paikutin yung utak at puso mo. tapos ikaw, nagpapadala ka naman. hindi ka na natuto. at mukang kahit kailan, hindi ka na talaga matututo. bakit ka ba ganyan? sino ba siya? lalake lang naman siya ah. kailan ka ba niya pinahalagahan? kailan niya pinaramdam sayo na mahal ka rin niya? kailan siya tumabi sayo nung panahon na kailangan mo siya? iniwan ka nga niya sa ere eh. lahat ng mga binitawan niyang salita noon, nasaan na ngayon? wala siyang tinupad kahit isa don. wala siyang ipinakita sayo kahit isa sa mga sinabi niya. nakuha niya lang ang gusto niya, nagiba na bigla ang ihip ng hangin. tapos ikaw, nagpapaloko ka naman. hinahayaan mo lang. sana matuto ka na. tigilan mo na yan. naaawa na ako sayo eh. pag nakikita kita na nagkakaganyan ka, naiisip ko ang tanga tanga mo. ano bang meron siya at nagiging tanga ka pag nagpaparamdam siya? gumising ka naman. iumpog mo na ang sarili mo sa pader. tama na yan. masyado ka nang nagiging tanga para sa isang tao na hindi naman nararapat ng atensyon mo. gumising ka na. ikaw lang ang nagiging kawawa sa ginagawa mo eh. tapos sa huli niyan, magagalit ka nanaman, tapos konting paramdam lang niya, okay ka na ulit. paulit ulit ka nalang na ganyan eh. tama na yan. mahalin mo naman ang sarili mo. wag kang asa ng asa sa isang tao na wala namang pagasa magbago. wag ka ng maghintay. tama na. tapusin mo na yan. masyado ka nang nagaaksaya ng oras para sakaniya. hindi lang sakaniya umiikot ang mundo. hindi lang siya ang lalake sa mundo. ayoko na marinig na nagsisisi ka. ayoko na marinig na nagmumuka ka nanamang tanga. nagmamakaawa ako sayo, wag mo ibaling ang atensyon mo sa isang tao na hindi ka man lang nakikita, ang dami daming tao sa paligid mo na handang magmahal sayo at nandiyan para sayo at di ka kayang iwanan. wag na siya. wag na sakaniya. sana matutunan mo na mahalin ang sarili mo. sana wag ka na masyadong magpakatanga. sana mag move on ka na. madaming tao sa mundo, hindi lang siya.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment